Sa Mga Kabataang Pilipino

Jose Rizal Itaas ang inyong Malinis na noo, Sa araw na ito, Kabataang pilipino! Igilas mo na rin ang kumikinang mong Mayamang sanghaya, Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya! Makapangyarihang wani'y lumilipad, At binibigyan ka ng muning mataas, na maitutudla ng ganap na lakas, Mabilis sa hangin, sa kanyang paglipad, Malinis na diwa, sa likmuang hangad. Ikaw ay bumaba Na taglay ang ilaw Ng sining at agham Sa paglalabanan, Bunying Kabataan, At iyong kalagin ang gapos mong iyang Tanikalang bakal na kinatalian Ng matulain mong waning kinagisnan. Tingnan mo't sa danay Na lubhang mainit na pinamahayan Ng mga anino ng kakastilaan Ay isang marilag na putong ang alay Ng kamay ng awa't may dunong na taglay, Sa iyo sumilang Sa lupaing ito ng kasilanganan. Ikaw na lagi nang pataas ang lipad, Sa pakpak ng iyong mayamang pangarap, Na iyong makita sa Olimpong ulap Ang lalong matamis Na mga tulaing pinakananais, Na higit ang sarap Kaysa "ambrosia" at "nectar" na wagas Ng mga bulaklak. Ikaw na may tinig na buhat sa langit, kaagaw sa tamis Ng kay Filomelang malinis na himig Sa gabing tahimik Ay pinaparam mo ang sa taong sakit, Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas Sa lakas ng iyong diwa'y naggagawad Ng buhay at gilas, At ang alaalang malinis at wagas Ng waning makislap Ay nabibigyan ng kamay mong masikap Ng buhay na walang masasabing wakas. At ikaw, na siyang Sa may iba't ibang Balani ni Febong kay Apeles mahal, Gayundin sa lambong ng katalagahan, Na siyang sa guhit ng pinsel mong tanga'y Nakapaglilipat sa kayong alinman; Hayo na't tumakbo! Sapagka't ang banal Na ningas ng wani'y nais maputungan Kayong naglalamay, At maipamansag ng tambuling tangan, Saanman humanggan, Ang ngalan ng tao, sa di matulusang Lawak ng palibot na nakasasaklaw. Malwalhating araw, Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan! Ang Lumikha'y dapat na pasalamatan Dahilan sa kanyang nasang mapagmahal, Na ikaw'y pahatdan Ng aliw at madlang mga kabutihan.
It was a time when the country badly needed the youth, and the youth wasn't really sure what they needed. In this powerful and provoking poem that Rizal wrote for all the youth (kabataan), witness the mind of a genius and the soul of a patriot.


Here is a poem written with some of the deepest and heaviest Filipino words that most Filipinos will probably frown at them in puzzlement. But the poem tells the youth that they have the power, the creativity, the talent and the skill to lead the Philippines from the influence of the Spanish. Most of all, upon the youth lies the burden of responsibility. Therefore, Rizal beseeches them to free themselves of the chains that hold them back and rise up to their dreams and aspirations.

His plea was probably not meant for the youth of his generation alone.