Katapusang Hibik Ng Pilipinas
This is a very inspiring poem by one of the Philippines' heroes. Personally, I think it's very good for a guy who didn't even go to school and learned to read and write all by himself.


Katapusang Hibik Ng Pilipinas

Andres Bonifacio (1896) Sumikat na Ina sa sinisilangan ang araw ng poot ng Katagalugan, tatlong daang taong aming iningatan sa dagat ng dusa ng karalitaan. Walang isinuhay kaming iyong anak sa bagyong masasal ng dalita't hirap; iisa ang puso nitong PIlipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat. Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis... ang layaw ng anak: dalita't pasakit; pag nagpatirapang sa iyo'y humibik, lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. Gapusing mahigpit ang mga Tagalog, hinain sa sikad, kulata at suntok, makinahi't biting parang isang hayop; ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? Ipabilanggo mo't sa dagat itapon; barilin, lasunin, nang kami'y malipol. Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon? Aming tinitiis hanggang sa mamatay; bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, kaya kung ihulog sa mga libingan, linsad na ang buto't lumuray ang laman. Wala nang namamana itong pIlipinas na layaw sa Ina kundi pawang hirap; tiis ay pasulong, patente'y nagkalat, rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat. Sarisaring silo sa ami'y inisip, kasabay ng utos na tuparing pilit, may sa alumbrado---kaya kaming tikis, kahit isang ilaw ay walang masilip. Ang lupa at buhay na tinatahanan, bukid at tubigang kalawak-lawakan, at gayon din pati ng mga halaman, sa paring Kastila ay binubuwisan. Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa, huwag nang saysayin, O Inang Espanya, sunod kaming lahat hanggang may hininga, Tagalog di'y siyang minamasama pa. Ikaw nga, O Inang pabaya't sukaban, kami'y di na iyo saan man humanggan, ihanda mo, Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay. Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila't kanyong katulad ay kulog, ang sigwang masasal sa dugong aagos ng kanilang bala na magpapamook. Di na kailangan sa iyo ng awa ng mga Tagalog, O Inang kuhila, paraiso namin ang kami'y mapuksa, langit mo naman ang kami'y madusta. Paalam na Ina, itong Pilipinas, paalam na Ina, itong nasa hirap, paalam, paalam, Inang walang habag, paalam na ngayon, katapusang tawag.
The Mother Land (Ina) whom this poem is beseeching is not the Philippines, but Spain, which for hundreds of years the Filipinos (or Tagalog) have looked up to as their Mother Land.

In this poem, Bonifacio asks hard questions, and demands as a child would of his mother, why they are being punished and beaten and maltreated. He then claims that no Mother would take delight in her children's agony and pain such as the one they honor and respect as their Mother.

Realizing that this Mother is not rightful of the Filipinos' love and devotion, he bids her farewell. Perhaps in search of the Filipinos' true Mother.